Mga Pulubi Sa Jeep

Hindi seasonal pero pansin naman ng lahat na mas madaming batang umaakyat sa jeep na may dalang sobre kapag Christmas season. Ang tawag namin sa kanila ay mga badjao. Madalas kapag nakasakay ako ng jeep, hindi pwedeng mawala ang mga batang ito. Kumakanta pa hindi ko naman maintindihan ang kinakanta nila. Eto ang ilan sa mga experiences ko with them.

– Sumakay ako sa jeep at umandar na ito, huminto dahil sa traffic nang biglang sumakay ang batang kalbo, kumanta ng pasigaw, ang lakas ng bunganga ng bata. Walang nagbigay ng barya. Bumaba ang bata, biglang humarap samin at sumigaw ng “mga putang ina niyo”!!!!!

– Pagkasakay ko ng jeep ay may kasunod agad na dalawang batang madungis, ang isa papasok sa loob at ang isa ay uupo lang sa may hagdanan ng jeep at me dalang lata ng gatas na magsisilbing tambol. Nagsimula ng kumanta ang bata pero hindi na naman maintindihan ang sinasabi. Biglang sumigaw ang manong driver “Hoy bumaba kayo!” bigla lumapit ang bata sa driver at hinawakan ang tenga ng driver sabay dila. Nang magalit ang driver, tumakbo pababa ang bata at tumalon sa labas ng jeep at nagsisigaw ng “pakyu! pakyu!”

– Isang hapon sumakay ako ng jeep papauwi ng may sumakay din na lalaking nakaputi, Mukhang malinis naman siya at matikas ang katawan. Bigla siyang nag-abot ng mga sobre at nagsalita. Walang pumansin sa kanya. Nag-iba ang mukha ng lalaki at kinuha niya ulit ang sobre. Nang pababa na siya ay huminto siya sa may hagdan ng jeep at galit na sinabing “Buti nga hindi ko kayo hinoldap at mabait akong humihingi sa inyo ng tulong pero ayaw niyo akong tulungan” sabay baba. Nanlaki ang mata ng isang matandang babae na nakasakay din sa jeep at bigla ding sumigaw na “aba, ikaw na nga ang nanlilimos ganyan ka pa, ang anu-ano mo! malaki nga yang katawan mo pero namumulubi ka! Edi holdapin mo kung kaya mo!” Natawa na lang ako.

– Isang gabi noon, galing ako sa dati kong pinapasukang trabaho. Dahil wala ng lrt, sumakay ako ng jeep sa Gil Puyat. Huminto ang jeep sa may Quirino Ave corner Taft Ave. at may umakyat na batang madumi at binasahan niya ang mga sapatos namin. Nang babasahanin niya na ang sapatos ng katabi kong lalake, napasigaw ang lalake, “huwag ang sapatos ko huwag”. Bigla akong napatingin at nakita kong nakangiti ang lalake. Lumingon ako pababa at tiningnan ang sapatos niya. Nakita kong na itim siya na synthetic leather shoes na nababalatan na, kumbaga natutuklap na ang skin ng sapatos niya, Napatawa ako ng mahina habang nakatingin ang lalaki, wala nadin syang nagawa kund tumawa.

-Isang hapon nakasakay ako ng jeep, sa taft ave parin, may batang pulubing umakyat. Ang istilo niya ay tatapat siya sa tao at mukhang iiyak at sasabihin, penge pong barya gutom na gutom na ako. Bawat isang tao ganoon ang ginagawa niya. Hanggang sa pagbaba niya ng jeep ay mukha siya natatae na malungkot di mawari ang mukha. Nakakaawa ng slight pero iniisip ko na lang na best actor ang bata at wala akong pera sa bulsa.

– Noong isang araw lang ay tinamad akong sumakay ng lrt dahil punong puno at ang haba ng pila hanggang hagdanan kaya sumakay na lang ako sa jeep. Hindi ko naman akalain na matatrapik ako pagdating ng Carriedo dahil sa mga road constructions doon. May sumakay na batang babae na me mga dala, Ang Pao o yung mga sobreng pula ng instsik. Kumanta si bata, mahaba ang pagkanta niya, hindi ko alam ang title pero tagalog song, nakikanta pa ang etudyanteng babae na katabi ko, hindi naman nagbigay ng limos. Pumikit ako at dinama ang kinanta niya. Ok maganda ang pagkanta, hindi pitchy. maganda ang vibrato sa mga dulo pero walang control sa dynamics. O ha, nagfeeling judge na naman ako. Dinilat ko ang mata ko at nilagyan ko ng barya ang AngPao. At dahil tonto ako, malaki ang binigay ko sa kanya. Bumunot ako sa harapan ng aking bag ng barya at nakuha ko ang 2 euro coin.

index

Hindi biro ang barya na ito dahil 1 euro = 56.something in Php. So naka 100+ siya sakin, pero kailangan niya nga lang ipapalit yun. Dahil nga trapik at hindi umaandar ang jeep, nakita kong umupo ang bata sa may bangketa at pinagkukuha ang laman ng Ang Pao, which turned out na ako lang ang nagbigay. Nakita kong nilapit niya ang coin sa kanyang mata at nalungkot. Natatawa ako pero nasa isip ko na sana, itago ng bata iyon dahil magagamit niya eto sa hinaharap. Dahil ang mga Euro coins kong natitira ay pinapapalit ko sa money changer na nagaaccpet ng coins.

Sari-sari ang mga pakulo ng mga pulubi ngayon. Minsan nakakaawa pero madalas nakakaasiwa. Payo ko lang sa inyo, ingat palagi sa jeep. Bukod sa mga pulubi ay may mga masasamang loob din. Ciao!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s