Eighteen

 

Last time, si kapitabahay na sort of kumare ni mama ay kumatok sa gate namin para magbigay ng invitation. Dahil sa ako ang nasa labas, naglilinis, kinuha ako ang invitation. Isa itong invitation para sa debut ng kapitbahay.

Mark: Mama, me invitation ka, debut pala ni PEKPEK (wala akong pake sa pangalan niya).

Mama: Ah, oo nasabi na niya yan. Kasali daw ako sa 18.

Mark: Ano ka dun, 18 candles? haha tanda mo na kaya.

Mama: Di ko nga alam eh. tingnan natin sa invitation.

So, ako ang nagbukas ng invitation at nagulat ako sa nakita ko. Ang daming 18.

18 Roses

18 Candles

18 Bills

18 Shoes

18 Bags

18 Gifts

Mark: Putang Ina!

Mama: Oh bakit?

Mark: Mama, nasa 18 bills ka!

Mama: huh, meron ba nun.

Mark: Hahahahaha Ambisyosa ang mag-inang to. sinakop lahat, dapat 18 gifts lang ito. Gustong bawiin ang gagastusin.

Mama: Hahahahahahaha Putang Ina. Sige, Sa araw na yan, di ako lalabas. Pag me naghanap sakin, sabihin niyo, mmay trangkaso ako.

Mark: 18 bills? Kung tigiisang libo kayo, naka 18k siya. Huwaww.. Sige lets see mother.

**o**

 

After the party, ang tsismosang si Mama ay lumabas para makipagkwentuhan sa kapitbahay na si Ester.

Mama: O kamusta ang debut ng anak ni kumare.

Ester: Naku, ang daming di pumunta. Yung mga 18 kung ano-ano. pag pinagsama-sama naging sampu lang.

Mama: Hahahaha. totoo? eh kamusta ang pagkain?

Ester: Ayun. spaghetti at paksiw. Bingiyan pa nga ako ngayon eh, panis na.

Mama: Puta, debut tapos paksiw? hahahaha

Ester: Oo, O diba kasali ka dun sa 18 cash?

Mama: 18 bills yun! Edi kunin nila, pero sasabihin ko, asan na ang pagkain!

****o****

 

Mukhang pagkain si Mama. Nagulat ako sa laman ng inbitasyon. Noong panahon na dumadalo ako sa mga debut, Ok na ang 18 gifts. Since wala na ako sa pagkateen, yun na ba talaga ang uso?

Ayan tuloy, walang halos nagpunta sa party. Anong lesson? Wag ambisyosa.

 

Ktnxbye

 

 

Advertisements