Isang araw ang tita ko ay nasa bahay ng lola ko dahil, sinisikipan ang kable ng kurtyente(nakaw) dahil magnanakaw este maluwag na ang kepyas este ang saksakan ng kuryente ng lola. Alam niyo naman pag libre ang kuryente madalas me palya.
Habang nasa 1st floor ang tita ko at nasa second floor naman ang lola ko, nasa labas naman ng bahay ang tito kong drug adik
titong drug adik: (sumigaw) Mommy Bess, meron ka bang tindang yelo?
(kasabay n pagsigaw ng tita ko)
tita: (mommy bess me kuryente ka na ba)
mommy bess: (uhaw sa barya) meron!
tita: Ok na hindi na maluwag?
mommy bess: wala pa!
titong drug adik: bakit ka sumisigaw eh nagtatanong lang naman kung me yelo!
mommy bess: meron nga!
tita: (sumisigaw din) kinakausap kayong maayos, hindi kayo sumagot!
mommy bess: wala pa nga!
titong drug adik: ano ba talaga, me yelo o wala
mommy bess: meron nga!
Tupang Nanay, ako ang nasiraan ng bait sa kanilang tatlo, Diyos ko,bakit ako tumira sa bahay ko sa Tondo, magiimpake na ko talaga pabalik ng Mandaluyong o kahit saan basta walang ganito..
ang labo. hahahha
paps. salamat sa pagpaparamdam dito. pati sa text lels
ang kulit, naalala ko na naman yung kwento mo tungkol sa lola mo hahaha
ahahaha… madami akong magandang kwento tungkol sa kanya
*hahaha* Sakit sa ulo siguro marinig yung ganun.